"Balarila"

Maikling Kwentong Kababalaghan | Ghosted Ghost Stories | Ep005S001

Higit sa dalawampung taon, ako ay naging punong-guro ng paaralan ng isang elementarya hanggang sa nagretiro ako nung 2012. Sa haba ng karanasan ko sa pagpapatakbo ng aking puwesto, walang nakapaghanda sa akin sa nangyari noong araw na iyon.

Ako rin ang guro ng Balarila sa paaralang iyon.

Ilang linggo na lamang at magbabakasyon na nuon at kalaunan ay ang pagretiro ko. Isang babae ang pumasok sa aking tanggapan at para bang may isang itim na ulap na kasabay niyang pumasok. Naramdaman ko ang pagpihit ng kapaligiran ko mula sa pagiging maaliwalas na nuo’y naging madilim at walang kabuhay-buhay.

Ang babae ay maputla na nangangalumata na para ba siyang may sakit at puyat.

Ang kanyang anak na lalaki ay nais na pumasok sa aming paaralan sa susunod na taon, sabi niya nang pautal-utal at pabulung-bulong.

Siya ay pahinto-hinto sa bawat salitang binibigkas niya. Tinatama niya ang kanyang mga mali na parang hindi siya sigurado sa mga sinasabi niya. Ang mga kilos niya ay kakaiba.

Binabanggit niya ang salitang ‘balarila’ sa maling diin at punto. ‘Bala-rilah’ siya nang ‘bala-rilah’; siya din ang paulit-ulit na nagtutuwid sa kanyang sarili tuwing nagkakamali.

Ngunit, sa tuwing itinutuwid niya ang kanyang sarili, siya ay aktong nagugulat na para bang may sumigaw sa kanyang tainga–para bang may nagtuturo sa kanya.

Naisip ko bang may sakit siya sa pag-iisip? Oo, halos tawagin ko na ang aking sekretarya para matulungan ang aking bisita.

Habang sinasabi niya sa akin kung gaano katalino ang kanyang anak at gaano ito matutuwa sa pagpasok nito sa aming paaralan, muli niyang nabanggit ang salitang ‘balarila’ nang mali. Siya ay pabiglang napahinto at tila ba’y mayroon siyang hinihintay.

At nuo’y narinig ko din ang bagay na bumabagabag sa kaawa-awang bisita ko: “Balarila” ang sabi ng isang tinig na nagmula kung saan man sa luob ng opisina ko.