"Tsinelas"

Maikling Kwentong Kababalaghan | Ghosted Ghost Stories | Ep006S001

Pagdating sa bahay, pabagsak akong napaupo sa aming sofa; Matamlay na nabitawan ko na lang ang aking bag.

Umuwi ako nung araw na iyon nang maaga mula sa aking pinagtatrabahuan. Nung araw na yun, nagising ako na may trangkaso, at lumala na ito. Kailangan ko lang siguro magpahinga–maging kumportable, ngunit halos wala akong lakas upang tanggalin man lang ang aking sapatos at maisuot ang aking tsinelas.

Napatingin ako sa tsinelas ko, na iilang metro lamang ang layo sa akin, nang nakaramdam ako ng pagkahilo at matinding pagkaantok.

Ipinikit ko ang aking mga mata–kailangan ko lang ng ilang saglit na pahinga, ani ko sa sarili ko.

Malapit na akong mapaidlip nang may narinig akong matinis na tunog sa harapan ko; katulad sa hagupit ng isang latigo pero mahinahinahon ng kaunti. Hindi ko mapigilang mapangiti–kilalang kilala ko ang tunog na iyon.

Malamang ang aking bunso ay dinala na niya saakin ang aking tsinelas.

Binuksan ko ang aking mga mata, at ayun na nga, ang aking tsinelas ay nasa harapan ko na.

Ako ay yuyuko na sana para isuot ito nang biglang naalala ko na ako lamang ang nagiisang tao sa loob ng bahay nung oras na iyon. Naisip ko din na ang huling beses na ginawa ito ng bunso ko ay halos dalawampung taon na ang nakakaraan.

Nung araw na nangyari itong kababalaghang ito, yung bunso ko na iyon ay may asawa na at dalawang anak.