"Gilotina"

Maikling Kwentong Kababalaghan | Ghosted Ghost Stories | PILOT 2020

Kadalasan, naiiwan lang ako maghapon sa bahay kasama ang apat-na-taong-gulang kong anak na babae.

Kadalasan, naririnig ko siyang kausap ang kanyang mga manika: sa kwarto niya habang nilalaro niya ang mga ito, sa banyo habang pinaliliguan, at paminsan habang nasa kotse kami.

Kahit na alam ko na normal lamang ito sa mga batang nasa edad niya, mayroong mga bagay akong napupuna na labag sa karaniwan.

Ang kanyang bokabularyo ay limalalim.

Isang beses, narinig ko sa kanya ang salitang “gilotina”. At ang sabi pa niya, ipapadala daw niya ang mga manika niya dito–ang mga hindi nakikilahok ng maayos.

“Nakikilahok”?
“Gilotina”?

Sinabi ko ito sa aking asawa at kahit na siya ay hindi makapaniwala. Tinanong ko ang isa ko pang anak na iilang taon lamang ang tanda niya sa kapatid niya, at wala man lang siyang ideya kung ano ang isang gilotina.

Kaya, kinompronta ko na siya. Kawawang anak ko,(sa edad na apat na taon) ni hindi man lang niya mabigkas nang tama at maayos yung salita.

“Ano itong nangyayari sa amin? Hindi ko maintindihan,” ani ko sa aking sarili.

Isang araw, tinatanghali na at hindi pa siya bumababa. Naririnig ko siyang may kausap, kaya pumunta ako sa kanyang silid upang tawagin siya.

“Kain na,” mahinahon na huni ko.

Sumilip ako sa kanyang silid at nakita ko siyang nakikipag-usap sa sarili niya sa salaminmga bata talaga! Wala naman akong napupuna na di pangkaraniwan, hanggang sa ang kanyang repleksiyon sa salamin ay tumingin sa akin at sinabi: “Ayaw ko!”